Blog Archive

Sunday, March 2, 2014

Panlulustay ni DOLE Sec. Rosalinda Baldoz sa pera ng OFWs

Pahayag ng Migrante
Rome, Italy 02/03/2014






Ibinunyag ng COA nav noong 2005 binigyan ng incentive allowances ang mga opisyales at  kawani ng POEA. Ang saalaping ibinuyangyang ni Baldoz sa mga tauhan niya sa POEA ay sinungkit buhat sa pondo ng mga OFW sa OWWA na nagkakahalaga ng P19.36M.


Ipinapabalik ng COA ang salapi ng OFWs sa OWWA na iligal na ipinamahagi ni Baldoz.
Ito ang uri ng pamamahala na ibinibigay ng mga pinagtitiwalaang mga opisyal para sa ating sa ating mga OFWs.


Sa ganitong uri ng pamamahala, sino pa ang maarting pagtiwalaan ng mga manggagawang migrante upang mangalaga sa ating kagalingan at karapatan? Kailan magkakaroon ng mga taong magtuturing sa atin bilang mga taong tumutulong sa paglikha ng yaman ng bansa at gagalang sa salaping pinaghirapan natin?



At kailan pa kaya malilipol ang mga maghnanakaw sa loob ng ating pamahalaan?




No comments:

Post a Comment