Halaw sa 'Mga Babaeng Palaban
Pinoy Weekly online http://pinoyweekly.org/new/2014/03/mga-babaeng-palaban/
Isang tulang lumabas noong Pebrero 17, 1899 sa underground paper na El Heraldo Filipino. Isang manipesto ang tula laban sa panggagahasa ng mga sundalong Amerikano sa kababaihang Pilipino.
Ito ay isang kolektibong tula nina Victoria Lactaw, Feliza Kahatol, Patricia Himagsik, Dolores Katindig, Felipa Kapuloan, at Victoria Mausig. Tinatayang alyas lang ang mga pangalan.
Hibik Namin
Halina at tayo’y
Manandatang lahat
itanghal ang dangal
nitong Filipinas.
Sa alinmang nacion
at huag ipayag
na mapagharian
tayong manga anak.
Ang pagsasarili’y
ating ipaglaban
hanggang may isa
pang sa ati’y may buhay
At dito’y wala na
silang pagharian
kung hindi ang
ating manga dugo’t bangkay.
Masakop man tayo
ng kanilang Yankis
ay mamatay rin sa mga pasakit
Mahalaga.y mamatay
sa pagtangkilik
Nang dapat igalang
na ating matowid.
Dahil sa ating
Santong Katowiran
ay atin ang lubos
na pagtatagumpay.
Ang awa nang langit
ay pagkaasahang
tutulong sa ating
nang pakikilaban.
No comments:
Post a Comment