Rome, Italy 15/05/2014
Ang Kumbensyon saTejeros |
Isa sa pinakakontrobersyal na bahagi ng ating kasysayan ay ang halalang naganap sa Kumbensyon ng Tejeros kung saan nagwagi si Aguinaldo bilang Pangulo, bagay na pinagdedebatihan pa ng mga historians at mga palaaral sa kasaysayan ng Pilipinas hanggang sa mga panahong ito.
Maaring natalo sa bilangan ngunit hindi sa tunay na halalan ang Supremo dahil ang Tejeros Convention ang pinakaunang madayang halalan sa kasaysayan ng ating pagkabansa. Ang unang HOCUS-PCOS, unang 'Hello Garci' kumbaga. Nakasulat kina Ricarte, Alvarez, at sa mga sulat ni Bonifacio ang pandarayang naganap sa halalan.
Bago pa man simulan ang halalan sa Tejeros ay nagsumbong kay Bonifacio si Diego Mojica, isang opisyal ng Katipunan, Magdiwang, ukol sa may mga laman nang mga balota, ayon sa memoirs ni Alvarez. Pre-filled ballots, ika nga. Matapos ang halalan ay agad na gumawa ng deklarasyon si Ricarte na nagkaroon ng dayaan at kahit nahalal siya ay ayaw sana niyang magkaroon ng bahagi sa "pamahalaang" iyon. Sinulat din ni Alvarez na patagong sumumpa sa tungkulin sina Aguinaldo, at sa harap pa ng isang Kastila, o turuan-ng-Kastila na pari. Nakasulat din mismo ang pandarayang ito sa mga sulat ni Bonifacio kay Jacinto.
Sa madaling sabi, ang nakaugaliang karumihan ng halalan ay karugtong na ng sinimulan sa "unang Republika" ni Aguinaldo. Ang isang salaulang puno ay hindi kailanman magbubunga ng malinis na bunga, at ito ay pinatitibayan ng kasalukuyang salaulang pamamahala sa ating bansa.
Tanging ang muling pagbabangon ng mga anak ng Katipunan ni Andres Bonifacio ang maaring magbigay ng tunay na pagbabago sa ating lipunan.
No comments:
Post a Comment