Posted by Belarmino Dabalos Saguing
Rome, Italy 23 June 2014
Ang isang senador na napatanyag
dahil sa pangungurakot ng salapi ng bayan na dati nang pumasok sa piitan dahil
sa pangungurakot sa hueteng at ngayon ay muling pumasok sa kulungan dahil naman
sa pork ay sadyan nakakamuhi sa kanyang inaasal.
Kahit na toto ona siya ay kusang
sumuko bago pa man nalagdaan ang kautusan sa pagdakip sa kanya ay talaga naman
lumalabis na. Hindi pa sapat na ang kanyang selda ay may sukat na 32 metro
kwadrado, may higaang maginhawa at bentelador ay humuhiling pan ng aircon at
gusto pa niya ang isang telebisyong may “sky”, may giant screen upang mapanood
niya ang kanyang paboritong telenobela samantaslang ang karaniwang mamamayan ay
wala nito at di tulad niya ay halos wala nang makain.
Talagang baliktad na ang mundo. Kung ang nasa poser ang
magnakaw, tinatawag itong business kahit pa ito ay monkey business at sila ay
ikukulong sa espesyal at maginhawang selda. Samantalang kung isang mahirap ang
magnakaw upang makakain lang, ito ay isang krimen at ang kriminal ay ilalagay
sa kulungan na tututulan kahit ng ng mga hayop, at tiyak na mabubugbog pa.
Sa sip ng salaring ito ay tila utang na loob pa ng mga tao na
siya ay ay isang big time na magnanakaw at dapat silang bigyan ng tratasyong
bigtime. Ang dapat ay matikman nila ang tunay ng parusa sa isang salarin.
Ang
piitan ay dapat na pook na magtuturo samagnanakaw kung alin ang kanya at alin ang
di kanya, isang koreksyonal na magtutuwid sa kamalian ng isang salarin. Hindi
dapat ng maging isang lugal ng maluhong hotel ng bakasyon ang piitan kahit pa
sa mga senador.
Higit sa lahat, ang preokupasyon sa selda ay umaagaw sa pokus sa isang higit na mahalagang isyu: ang pagnanakaw ng mga mababatas sa kabang bayan.
No comments:
Post a Comment