Posted by Belarmino Dabalos Saguing
Rome, Italy, 12/08/2014
Matapos ang halos
tyatlong tan na pagtatago, nahuli ang dating Herneral ng Phiklippine Army na si
Jovito Palparan na tinaguriang Berdugo dahil sa record niya bilang mamamatay. Hinihinalang nasa likod siya ng pagkawala nhg
maraming pinaghihinalaang mga aktibista. At may-akda ng halos di mabilang na sapilitang
pagkawala at pagpatay sa marami na ginawa ng mga military sqa ilalim ng kanyang
command.
Siya ay nadakip
ng mga tauhan ng NBI sa Manila sa bandang 11:30 ng gabi ng Agosto 11 2014. Sumuko
din sa maykapangyarihan ang mayari ng bahay na tinitigilan ng dating heneral.
Si Palparan ay pinaghahanap ng may-kapangyarihan dahil sa
kaso ng kidnapping at illegal detention with torture sa mga kabataang Karen Empeno
at Sheryl Cadapan, mga estudyante ng UP na noon ay nasa isang field trip sa
Bulacan kung saan sila dinukot ng mga ahente ng militar.
Iginiit ni Palparan na ayon sa ulat ng kanyang
tagapagsubaybay, ang dalawang kabataan ay hindi estudyante ng UP kundi mga full
time na kagawad ng NPA. Ang kanyang yunit ay kilabot sa maraming kaso ng extrajudicial
killings at enforced disappearance sa bansa.
Dahil sa
napakaselan ng kaso, may pabuyang P2M sa sinumang makakapagturo sa
pinagtataguan ni Palparan.
No comments:
Post a Comment