Posted by Belarmino Dabalos Saguing
Rome, Italy 04/08/2014
by RDavid Michael San Juan
Para sa mamamayang nagmamahal sa sariling wika, sa Tanggol Wika at sa mga Makabayang grupo at Indibidwal..10 mahahalagang bagay kung bakit natin kailangang patalsikin si P-noy at ipaglaban ang wikang Pilipino.
1. Sa halip na tanggalin ang wikang Ipilipino sa kolehiyo at Unibersidad mas makabubuti na si NOYNOY na lang ang tanggalin sa Malakanyang.
2. Sa halip na mawalan ang kulang-kulang 2o,000 guro at Instruktor ng trabaho, si NOYNOY na lang, mas makatitipid ang Pamahalaan. Isa kumpara sa napakarami na totoong nagtatrabahao para sa bayan e di san ka pa lisensyahin na lang ang mahilig sa NOYNOYING.
3. Ang wikang Pilipino ay may mahabang kasaysayan bilang lengwaheng pag-ugnay sa sambayanan.Pinagkakaisa nito ang mahigit na siyam na mayor na lengwahe at kulang isandaang kilalang diyalekto. Si NOYNOY mapanira at mapanghati kaya patapos na ang kasaysayan at sa kankungan pa pupulutin.
4. Ang mga tagapagtaguyod ng wikang Pilipino ay di taksil sa lahi, sa wika at sa bayan kahit kakarampot ang sweldo at kumakalam ang sikmura. Samantalang si NOYNOY, taksil, traydor, tuta ng Kano at saka gastador ng pondo ng bayan.
5. Ating Wikang Pilipino ay makabayan, patriyotiko at siyentipikong umunlad hanggang yumabong sa pambansang saklaw. Si NOYNOY di-makabayan, di-patriotiko, walang kulturang makabansa at di yumabong dahil nananatiling papet at nangangayupapa sa dayuhan.
6. Ang Wikang pilipino ay may malaking silbi at gamit sa pakikipag-ugnayan sa ating mga katutubo o pambansang minorya. Itong si NOYNOY ay kinamumuhian nila dahil ibinebenta ng walang pakundangan ang kalikasan at ang pag-aaring lupain ng kanilang ninuno.
7. Ang wikang pilipino kapag ginagamit madaling maintindihan. si NOYNOY palibhasa ang bukang-bibig " globalisasyon, pribatisasyon,, deregulasyon, EDCAP, Mining, PDAP, DAP etc kaya di tanggap ng taong bayan.
8. Ang wikang pilipino subok na ang gamit, subok ang halaga. Si NOYNOYwalang tibay na maasahan, Dumaan ang bagyong Pablo WALA, dumaan ang bagyong Yolanda WALA, dumaan ang krisis WALA, problema sa kuryente,tubig, gas at transportasyon WALA. Palaging walang nagagawa.
9. Ang wikang pilipino simple lang ang panawagan, itaas ang sahod ng mga guro at manggawa, lupa para sa nagbubungkal, libreng edukasyon, libreng serbisyong pangakalusugan, pambansang industriyalisasyon, karapatan sa pag.aaring ansestral at maraming pang iba. Bagay na nagbibingi-bingihan ang gobyerno ni NOYNOY
10. .Ang wikang Pilipino ay mananatiling makamasa, tatak Pinoy at totoong atin. Si NOYNOY di makamasa,, tatak haciendero at totoong BOSING.
No comments:
Post a Comment