Posted by
Belarmino Dabalos Saguing
Rome, Italy Serpt. 5 2014
Sa paningin ng mmaraming OFW, ang tinatawag na “Aquinomics”
ay isang ssako na puno ng hangin at isang katatawanang masakit para sa bansa.
Para sa mga tagasunod ni BS, ang ipinagyayabang nilang
kagilagilalas na pagsulong sa pananalapi ay kaitibayan ng mahusay na pamamahala
ng pangulo.
Totoo nga na nagkaroon ng pagsulong ang pananalapi ng bansa,
subalit hindi ito narararamdaman ng mga mamamayan dahil tanging ang mga
masasalapi lamang ang nadulutan ng positibong epekto dahil sa pananatgili naman
ng tatlong negatibong tagapagturol :
1. kakulangan o kawalang ng hanapbuhay na sanhi ng ikalawa,
2. ang pagdarahop sa kabuhayan lalo ng ng mga manggagawa at
magsasaka,
3. ay ang di pantay ng
kinikita ng mga tao
Ang pangunahing dahilan ng migrasyon sa ibayong dagat ng mga
Pilipino ay ang kakulangan ng sapat na kinikita sa bansa sanhi ng unang dalawang dahilan.
Para sa aming mga OFW, dapat nang itigil ng pamahalaan ang
paghahambog sa sinasabi nilang “pagsulong” sapagkat ito ay hungkag habang hindi
nila nalulunasan ang kawaslan ng hanapbuhay sa bansa.
Hungkag ang pagsulong na ito dahil hindfi ito nasamahan ng
paglikha ng trabaho upang malunasan ang pagdarahop. Kahit na baguhin pa nila
ang pamantayan sa kung sino ang walang hanap buhay at sino ang mga naghihirap,
ito ay artipisyal na panukat at hindi makakabago sa katotohanan na ang kalahati
ng mga Pilipino ay naghihirap at mahigit 10% ng mga Pilipino o halos 30% ng
lakas paggawa ng Pilipinas ay napipilitang lumuwas sa ibayong dagat upang
tumuklas ng ikabubuhay ng pamilya. Hindi kailanman mapagtatakpan ng pagyayabang
ng pangulo ang katotohanan a siya ay isang kabiguan para sa mga mamamayan at
dapat na siyang lumisan.
Ang tanging lunas sa sapilitang migrasyon ng mga Pilipino ay
ang paglikha ng trabahong may makabuluhang kita upang mabuhay ang mga pamilya.
No comments:
Post a Comment