Blog Archive

Wednesday, October 1, 2014

News Rease | Mga Migrante sa Roma, nagpiket laban sa POLO/OWWA

Posted by Belarmino Dabalos Saguing
Rome, Italy October 1, 2014




Isang matagumpay na kilos protesta ang isinagawa ng humigit kumulang na limangpung ofw’s sa harap ng Phil- Embassy Roma, Italya noong ika-18 ng Styembre 2014 upang igiit ang kagyat na pagresolba sa lumalalang problema ng mga ofw’s sa Italya sa pagpapa-member sa OWWA at pagkuha ng Overseas exit clearance o OEC.

Matatandaan na matagal ng nirereklamo ng mga migrante sa Italya ang pabago-bago at pinahigpit na patakaran sa pagpapa-member sa OWWA at pagkuha ng OEC. Nagkaroon na din ng serye ng dialogue sa pagitan ng mga lider ng ibat-ibang organisayon at kinatawan ng OWWA subalit sa halip na maresolba ay nadagdagan pa ang hinihinging rekisitos gaya ng busta paga, certificate of employment na bukod pa sa resibo ng inps at iba pa.

Dahil dito nagkaisa ang mga organisasyon ng mga migrante sa Roma na magsagawa ng petisyon signing noong ika-12 ng Hunyo 2014 na naglalaman na pahintulutan na lamang ng OWWA  na maging rekistitos sa pagpapa-member sa OWWA ang valid na permesso di sogiorno (work permit) at passport ng mga ofw’s dito sa Italya dahil ito lang naman ang dating hinihingi sa lahat ng mga OFW’s sa Italya at maging sa ibang mga ofw’s na nagtratrabaho sa ibang bansa at kahit sa ating bansa ay ito lamang din ang hinihingi ng mga tanggapan ng OWWA.

Subalit ang nakakalungkot, kahit pa nakaabot na sa kaalaman sa punong tanggapan ng OWWA sa ating bansa ang ating mga hinaing at petisyon , magpasahanggang ngayon ay wala pa rin silang kagyat na aksyon na ginagawa para resolbahin ang hinaing nating mga migrante ditto sa Italya sa halip panibagong dagdag na rekisitos at problema sa pagkuha ng OEC ang naransan na isa nating umuwing kababayan nang hingian siya ng kopya ng plane ticket gayong dati naman na hindi ito kasama sa rekisitos sa pagkuha ng OEC.

Ang masakit pa sa halip na alamin at pakinggan ang hinaing nating mga migrante, matapos ang kilos protesta ay naglabas ng pahayag sa pamamagitan ng Facebook ang ating Labor Attache na may bahid ng paninira sa mga nagsagawa ng kilos protesta at naglantad ng hindi maipaliwanag na bangayan nila ng OWWA officer. Paano nga ba mareresolba ang ating mga hinaing kung sila mismo na ating pagdudulugan ng ating mga hinaing ay may hindi pagkakaunawaan at bakit kailangan sa facebook pa nya ito ipabatid gayong maari naman niyang ipatawag sa isang dialogue o paguusap ang mga nagsagawa ng kilos protesta.

Dahil sa protestang ito ay naglabas na ng memorandum ang secretary of Labor na nagsasaad na ipagpapatuloy ng POLO ang onsite OEC Processing nang hindi na gagawing rekisitos ang pag-ibig membership para sa magbabalik bansa na mga Ofw’s. Bagamat maituturing na isa itong tagumpay nating mga migrante ay hindi pa rin nito nareresolbahan ang mas malaking kinakaharap na problema nating mga migrante dito sa Italya.

Ang patuloy at paparaming mga hinaing ng mga kapwa migrante sa Italya ang siyang nagtulak na magsagawa ng kilos protesta upang  kalampagin at hilingin sa punong tanggapan ng OWWA ang kagyat na pagresolba sa ating makatarungang hinaing. Habang patuloy sa kawalang aksyon ang mga kinauukulan, kagaya ng mga sigaw ng mga sumama sa protesta magpapatuloy at sisikaping mapalaki ang mga bilang ng lalahok sa mga susunod na kilos protesta hanggang sa maresolba ang makatarungang  hinaing nating mga migrante sa Italya.

Ang kilos protesta ay nilahukan ng mga kasapi ng organisasyon mula sa UMangat-Migrante, Makabayang Atas ng supremo Andress Bonifcio o MASA, Womens Federation in Rome, Italy , mga lider komunidad, mga concerned ofw’s  at mga lider ng ibat-ibang organisasyon ng mga Ofw’s sa Roma.

Nagpadala din ng mga mensahe ng pakikiisa ang ibat-ibang organisasyon ng ofw’s  sa syudad ng Milan, Modena, Bologna at Firenze na binasa sa nasabing kilos protesta .









No comments:

Post a Comment