Blog Archive

Friday, March 25, 2016

Poem - Kaibigan (Harapin natin ang mga alon sa ating buhay)

Posted by Belarmino Dabalos Saguing                                                                                               Rome, Italy 25 March 2016


Kaibigan
 (Harapin natin ang mga alon sa ating buhay)
Ni: Demetrio-Bong Ragudo Rafanan 16 Marzo 2016 Roma , Italya


Photo furnished by Demetrio Ragudo Rafanan


 I

 Kaibigan, tingnan mo ang kalangitan,
nangingingitim ang mga ulap,
nagbabadya nang pag-ulan.
Lumalakas ang ihip nang hangin
at ang mga alon ay lumalaki na rin.
 Humanda tayo at ating haharapin.



II


 Paghampas ng alon sa ating mga katawan,
kung sakaling ikaw ay matumba at lakas ay mawalan.
 Kamay mo ay aking aabutin, ang hilain ka at itayo ay pipilitin.
 Sa abot nang mamakakaya ikaw ay aking sasagipin.




Tutulungan kita sa pagbangon.
 Kapag ikaw ay naitumba ng malaking alon.
 Kaibigan, sa atin ay ito ang hamon; “
 mananatiling magkasama
na may pagpapahalaga sa isa't isa
.Samahan natin ay lalo pang lalakas
sa bawat paghampas ng alon.”



III


Kung ako naman ang magsimulang manghina
at sa paglangoy hindi na rin makakaya,
asahan kong sa aking tabi ikaw ay makikita.
Hihigpitan ang hawak sa aking kamay at hindi magpapabaya.
Sa harap ng mga alon nang buhay ikaw ay makakasama.


Titigil din itong malakas na bagyo at pag-ulan.
Tatahimik rin ang ingay nitong malawak na karagatan.
 Ihip ng hangin ay magiging malamyos
na sa ating puso ay malamig na hahaplos.
Tunog ng mga alon ay magiging parang musika
 na walang kasing ganda at sa atin ay magpapasaya.




 ###