Kaibigan
(Harapin natin ang mga alon sa ating buhay)
Ni: Demetrio-Bong
Ragudo Rafanan 16 Marzo 2016 Roma , Italya
Photo furnished by Demetrio Ragudo Rafanan |
I
Kaibigan, tingnan mo ang kalangitan,
nangingingitim ang mga ulap,
nagbabadya nang pag-ulan.
Lumalakas ang ihip nang hangin
at ang mga alon ay lumalaki na rin.
Humanda tayo at
ating haharapin.
II
Paghampas ng
alon sa ating mga katawan,
kung sakaling ikaw ay matumba at lakas ay mawalan.
Kamay mo ay
aking aabutin, ang hilain ka at itayo ay pipilitin.
Sa abot nang
mamakakaya ikaw ay aking sasagipin.
Tutulungan kita sa pagbangon.
Kapag ikaw ay
naitumba ng malaking alon.
Kaibigan, sa
atin ay ito ang hamon; “
mananatiling
magkasama
na may
pagpapahalaga sa isa't isa
.Samahan natin ay lalo pang lalakas
sa bawat paghampas ng alon.”
III
Kung ako naman ang magsimulang manghina
at sa paglangoy hindi na rin makakaya,
asahan kong sa aking tabi ikaw ay makikita.
Hihigpitan ang hawak sa aking kamay at hindi
magpapabaya.
Sa harap ng mga alon nang buhay ikaw ay makakasama.
Titigil din itong malakas na bagyo at pag-ulan.
Tatahimik rin ang ingay nitong malawak na karagatan.
Ihip ng hangin
ay magiging malamyos
na sa ating puso ay
malamig na hahaplos.
Tunog ng mga alon ay magiging parang musika
na walang
kasing ganda at sa atin ay magpapasaya.
No comments:
Post a Comment