Ngayong Hunyo 12, 2015, Araw ng Kalayaan, buhayin
natin ang diwa ng ating mga dakilang bayani – sina Bonifacio, Rizal, Jacinto,
Mabini at marami pang iba – na naglunsad ng rebolusyonaryong
pakikibaka at nag-alay ng kanilang buhay para makamit ang kalayaan mula sa
mananakop na Kastila. Nananatiling makabuluhan ang kanilang magiting na
halimbawa sa harap ng nagpapatuloy na katiwalian at pagpapakatuta sa
dayuhang interes ng rehimeng US-Tsina-Duterte.
Ang tatlong salot sa lipunang Pilipino – imperyalismo,
pyudalismo at burukrata kapitalismo — ay nagsasadlak sa ating bansa sa kumunoy
ng malapyudal at malakolonyal na pagsasamantala’t pang-aapi. Kailangan
ibagsak ang sistemang ito at patalsikin ang anumang rehimeng nagtataguyod nito,
tulad ng rehimeng US-Tsina-Duterte.
Kailangan
isulong ang laban upang wakasan ang pang-aalipin, pandarambong at panggigyera
ng mga imperyalistang bansa, lalu na ng imperyalistang US. Habang
nagpapakatuyta ang pamahalaan sa US at China, hindi makakasulong an gating
ekonomya at lalong malulugmok ang mga mamamayan sa pusali ng kahirapan at
magtutulok sa maraming manggagawa sa pangingibang bayan upang ihanap ng
katugunan ang matindi at ytumitindi pang pagdarahop ng mga pamilya sa bansa.
IPAGLABAN
ANG TUNAY NA KALAYAAN!
MABUHAY
ANG MGA BAYANI NG BANSA!
TUTULAN
ANG PAGHAHARI NG MGA DAYUHAN SA ATING BAYAN!
KUNG
HINDI NGAYON, KAILAN?
KUNG
HINDI TAYO, SINO ANG KIKILOS?
,