Blog Archive

Wednesday, June 5, 2019

ISULONG ANG PAKIKIBAKA PARA SA TUNAY NA KALAYAAN AT DEMOKRASYA

Posted by Belarmino Dabalos Saguing                                                                                    Rome Italy    June 6, 2019







Ngayong Hunyo 12, 2015, Araw ng Kalayaan, buhayin natin ang diwa ng ating mga dakilang bayani – sina Bonifacio, Rizal, Jacinto, Mabini at marami pang iba  – na naglunsad ng rebolusyonaryong  pakikibaka at nag-alay ng kanilang buhay para makamit ang kalayaan mula sa mananakop na Kastila. Nananatiling makabuluhan ang kanilang magiting na halimbawa  sa harap ng nagpapatuloy na katiwalian at pagpapakatuta sa dayuhang interes ng rehimeng US-Tsina-Duterte.


Ang tatlong salot sa lipunang Pilipino – imperyalismo, pyudalismo at burukrata kapitalismo — ay nagsasadlak sa ating bansa sa kumunoy ng malapyudal at malakolonyal na pagsasamantala’t pang-aapi.  Kailangan ibagsak ang sistemang ito at patalsikin ang anumang rehimeng nagtataguyod nito, tulad ng rehimeng US-Tsina-Duterte.


Kailangan isulong ang laban upang wakasan ang pang-aalipin, pandarambong at panggigyera ng mga imperyalistang bansa, lalu na ng imperyalistang US. Habang nagpapakatuyta ang pamahalaan sa US at China, hindi makakasulong an gating ekonomya at lalong malulugmok ang mga mamamayan sa pusali ng kahirapan at magtutulok sa maraming manggagawa sa pangingibang bayan upang ihanap ng katugunan ang matindi at ytumitindi pang pagdarahop ng mga pamilya sa bansa.


IPAGLABAN ANG TUNAY NA KALAYAAN!

MABUHAY ANG MGA BAYANI NG BANSA!

TUTULAN ANG PAGHAHARI NG MGA DAYUHAN SA ATING BAYAN!

KUNG HINDI NGAYON, KAILAN?
KUNG HINDI TAYO, SINO ANG KIKILOS?












,

No comments:

Post a Comment