Blog Archive

Monday, October 28, 2019

TUNGKOL SA PANUKALANG DEPARTMENT OF OVERSEAS WORKERS

Published by
Belarmino D. Saguing 
Rome, Italy 28.10.2019

Image by the author

Ang problema ng OFWs ay umiikot  sa suliranin ng masamang tratasyon ng mga employers sa kanila dahil sa kawalan ng bilateral agreements sa pagitan ng pamahalaang Pilipino at ng bansang kinaroroonan nila. Nariyan din ang walang katiyakan sa kanilang mga sweldo dahil sa nabanggit na kakulangan. Sa madali’t salita kulang sa proteksyon ang mga OFWs. Kasama na rin dito ang sukiranin ng kahirapan at kakulangan ng matatag na trabaho sa bansa.


Bago natin talakayin ang pro at con ng naturang panukala pahapyaw natin tingnan ang mga datos:
1. May mahigit 10 milyon ang bilang ng OFWs na deployed sa boong mundo at nadadagdagan pa ng may mahigit 2,000 ang umaalis sa bawa araw. (POEA)
 2. Umabot na sa $33.8B ang kabuoang remittances na ipinapadala ng OFWs sa bansa (BSP), katumbas ng 9.7% ng pambansang GDP o 8.1 ng pambansang kita ng Pilipinas.
3. Tinatayang mahigit 40 milyong Pilipino ang umaasa sa remittances ng OFWs o halos kalahati ng popolasyon ng bansa o halos kalahati ng popolasyon ng bansa. (ADB)
4. Ang remittances ng OFWs ay isa sa mga pangunahing pinagmumulan ng Foreign Exchange reserve ng bansa. (BSP)
5. Naging industriya ang Labor Export Program (LEP) ng pamahalaan sa pamamagitan ng mga recruiters.
6. Pinagkikitaan ng mga recruiters ang mga OFWs sa pamamagitan ng placement fees at iba pang singilin ganundin ng pamahalaan sa kanilang pre-departurs expenses na binabayaran ng OFWs bago pa man sila makaalis patungong abroad at iba pang singilan habang sila ay nasa abroad.

Ayon sa mga nagsusulong ng panukala, nararapat daw magkaroon ng sariling departamento ang OFWs upang direktang matugunan ng pamahalaan ang pangangailangan at kapakanan ng OFWs na hindi na kailangan ipadaan pa sa DFA, at mapangalagaan ang remittance nila na sumusuhay sa ekonomiya ng bansa ayon sa isang lawmaker.

Isa sa mga pangunahing isyu laban sa paglikha ng bagong departamento ay ang pondo o halagang gugugulin sa pagtatatag nito. Subali’t sinabi ni Cong. Fidel Nograles: bakit natin iintindihin ang gagastusin? Ang pangunahin konsiderasyon ay ang dolyar na ipinapadala nila(news article by Philippine Star Oct. 27, 2019 https://www.philstar.com/headlines/2019/10/28/1963929/ofws-deserve-own-department-lawmaker)


Ayon naman kay Cong. Lray Villafuerte isa sa mga nagsusulong panukala at napasama sa junket ng pangulo sqa ilang paglalakbay ng Presidente sa labas ng bansa, naboo ang panukala sa pakikipagpulong nila sa mga lider ng  Alliance of Bonafide Recruiters for OFW’s Advancement and Development (Abroad), na nagsumite ng position letter sa Malakanyang at sa Kongreso na tumutukoy sa pangangailangan na lumikha ng Department of OFWs bilang priority bill. (https://www.philstar.com/headlines/2019/10/28/1963929/ofws-deserve-own-department-lawmaker).

Ang tanong: Tunay bang para sa kapakanan ng OFWs ang isinusulong nilang bagong tanggapan o maggiging kasangkapan lang ito upang magkqaroon ng bagon bukas ng mga deregulated na patakaran upang lalong mapagsamantalahan ng OFWs.





.

No comments:

Post a Comment