Featured in Pahayag ng Migrante
Rome, Italy 04/03/2014
Taong 2013 muli na namang nagpagkita nang isang masigasig na pagkilos ang hanay ng migrante sa pamumuno ng Ugnayang Manggagawang Migrante Tungo sa Pag-uunlad (UMANGAT) sa Roma at sa buong mundo bilang pakikiisa sa milyon-milyong migranteng Pilipino pinagkaitan ng kanilang karapatang makapagtrabaho sa sariling bayan.
Rome, Italy 04/03/2014
Taong 2013 muli na namang nagpagkita nang isang masigasig na pagkilos ang hanay ng migrante sa pamumuno ng Ugnayang Manggagawang Migrante Tungo sa Pag-uunlad (UMANGAT) sa Roma at sa buong mundo bilang pakikiisa sa milyon-milyong migranteng Pilipino pinagkaitan ng kanilang karapatang makapagtrabaho sa sariling bayan.
Humigit kumulang sa 2 milyong Filipino ang sapilitang lumuwas sa Pilipinas upang makipagsapalaran sa ibang bansa dahil sa pagtindi ng krisis sa ekonomiya sa Pilipinas na nagbunsod sa kawalan ng hanapbuhay at pagbaba ng kalidad ng serbisyo. Sa kasalukuyan merong mahigit sa 12 milyong Filipino na nasa labas ng bansa. Nadagdagan ng 117,000 mga walang hanapbuhay at sa kasalukuyan ay nagtala na ng pinakamataas na rekord nang 4.5 milyong (10.3% unemployment rate) Pilipinong walang hanapbuhay at sa buong Asya. Habang pinangalandakan ng gobyernong Pnoy ang 7.3% na pag-unlad sa ekonomiya, siya namang pagbaba sa mga bagong trabahong nalikha (317,000) kung ikumpara ito sa taong 2011 (1,157,000). cf. IBON. Sa Italya, ang mga Filipino (127,243) ay ika-anim sa pinakamalaking populasyon migrante kasunod ng mga grupong Romania (796,477), Albania (441,396), Morocco (403,592), China (170,265), at Ukraina (153,998). cf. Migrantes Rapporto Immigrazione 2013.
(downloaded image by Ibon) |
Sa ganitong kalagayan, ang UMANGAT ay walang humpay na nakikibaka upang ugatin at pag-aralan ang mga pangunahing dahilan ng sapilitang migrasyon; itaguyod at ipaglaban ang mga karapatan ng migrante dito sa Italya at sa buong mundo sa pamamagitan ng mga pagkilos at pag-organisa sa hanay ng mga migrante. Ang naging slogan ng pagkilos ng taong 2013 ay SULONG MGA MIGRANTE IPAGWAGI ANG ATING MGA MITHIIN PARA SA KAGALINGAN NG ATING PAMILYA AT NG ATING BAYAN.
Naging masigla at mainit ang mga pagkilos at programa ng UMANGAT nitong nagdaang 2013. Ito ay nakapokus sa iba’t ibang larangang pagkilos pulitikal, kultural, at solidaridad internasyunal o pakikiisa sa mga malawakang pagkilos ng mga militanteng organisasyon sa buong mundo.
Sa larangan ng pagkilos pulitikal, nakapaglunsad ang UMANGAT nang mga serye ng porum o malayang talakayan pormal o impormal sa mga usapin sa eleksyong nasyunal, SONA ni Pnoy at pork barrel na pinaunlakan ng isang magiting na kongresman na walang humpay na nakipaglaban para sa kapakanan ng bayan - Ka Satur Ocampo - ng Bayan Muna. Ang kampanyang elektoral ay umani ng 565 na mga taga suporta dito lamang sa Roma at 791 sa kabuuan ng Italya. (cf. Umangat Migrante). Ito’y patunay ng pagtitiwala ng mga migrante sa isang militanteng pagkilos sa pamumuno ng Umangat. Ang pork barrel isyu na naging tampok sa mga malawakang kampanya ng grupo na umani ng suporta sa mga kilalang lider sa iba’t ibang organisasyong Filipino at mga politiko (Filipino at di Filipino).
Naging tampok din ang mga programang kultural na naglalayun na pataasin ang kamalayang pulitikal at sosyal sa hanay ng mga migrante gamit ang iba’t ibang paraan ng komunikasyon tulad ng dyaryo (Pahayag ng Migrante at sa ibang mga pahayagan tulad ng Ako’y Pilipino), internet (FB, webpage), radyo (Ugnayan sa Himpapawid ng Radio Citta Aperta), at pelikula (Migrante Diasporang Pinoy) na pumukaw sa damdamin ng mga migrante at nagpataas ng kanilang moral sa pakikibaka. Nakapagdaos din ang grupo ng mga iba’t ibang programang pangkultura at pampamilya bilang pagkilala sa mga mahalagang anibersaryo tulad ng ika-15 taong ng UMANGAT na ginanap sa GMD Filcom, taunang Family Day na humatak ng maraming pamilyang migranteng FIlipino nakisaya sa mga tradisyunal na paligsahan at nakinig sa mga pahayag at analisis ng kalagayan ng bansa at ng mga migrante sa buong mundo.
(photo by Migrante) |
Induction of Makabayang Atas ng Supremo Andres Bonifacio (MASA) Photo by MASA |
Sa kabuuan, malayo’t malawak na ang natatahak ng UMANGAT sa gitna ng maraming hamon sa panahon na pinagdaanan at kakaharapin pa. Sa taong 2014, bibigyan diin nito ang pagtatayo ng Migrant Desk sa panulukan nito (via Giolitti, 231 Roma, 00185 Italia) upang matugunan ang mga pangangailangan legal ng mga migrante dito sa Roma. Ito’y sa pakipagtulungan ng USB. Maglulunsad ng mga serye ng para-legal trainings upang sangkapan ng batayang kaalaman sa batas migrasyon ng Italia ang mga kasaping organisasyon.
Sa taong 2014, paigtingin pa ng organisasyon ang kanilang walang humpay na pakikibaka hanggang darating ang araw na kung saan ang pangingibang bansa ay isa nang malayang pagpapasya ng bawat mamamayan at maitaguyod ang lipunang malaya at makatarungan sa ating bansa.
No comments:
Post a Comment