Blog Archive

Tuesday, March 4, 2014

PHILHEALTH PREMIUM INCREASE BINATIKOS NG MIGRANTE

Pahayag ng Migrante
Migrant issues



Sa pananaw ng pandaigdigang alyansa ng mga Pilipino sa ibayong dagat at ng kanilang mga pamilya, ang 100% na itinaas ng Philhealth premium ay “panibagong anyo ng pangingikil ng estado” sa mga OFW.

Inilabas kamakailan ng Philippine Health Insurance Corporation o Philhealth board ang kautusan na naggagawad ng 100% na papapataas sa premium fee ng National Health Insurance Program (NHIP). Nagkabisa ang kautusan nitong Enero 2014 na apektado ang lahat ng myembro at enrollees kasama na ang OFWs.

Una dito, ipinasya ng Philhealth na ipasunod ang pagpapataas ng premium fee mula sa P900 - P1,200 na lumalabag sa sarili nilang Circ. No. 0087 ng 2012 na nagpapaantala sa implementasyon ng premium fee bilang konsiderasyon ng kahilingan ng civil society at mga NGO na huwag munang itaas ang nasabing premiun dahil sa kasalukuyang krisis na naging dahilan ng pagpapauwi sa maraming OFWs.

Ayon kay Garry Martinez, chairperson ng Migrante International na ang pagpapataas ng premium fee ng naunang pagtaas buhat sa P900 sa P1200 at ang kasalukuyang P1,200 sa P2,400 ay walang legal na batayan.

Maging ang POEA ay hindi rin naglabas ng anumang circular na nagpapahintulot sa mga ahensya ng rekruter na mangulekta ng karagdagang premium na P1500. Sa katunayan, ang mga ahensya ay pinapahintulutan na maningil ng P900 at ito ay hindi pa binabago ng POEA ayon kay Martinez.

Samakatuwid, ayon kay Martinez, ang mga pagtataas ng premium fee ng Philhealth ay walang legal na batayan. May karapatan ang mga OFWs na tumangging magbayad ng P2400 na iginigiit ng mga agency at ang pwede nilang bayaran lamang ay ang orihinal na premium na P900.

Labis na ikinagagalit ng alyansang Migrante ang mga ILIGAL na paniningil ng halagang P2400 sa mga OFW sapagkat malinaw na ito ay pangingikil na ipinapataw sa mga manggagawang migrante na walang katampatang konsultasyon sa sektor ng mga migrante at iba pang sangkot na sector, dagdag pa ni Martinez.

Sinusuportahan ng Migrante International ang natatalagang imbestigasyon ng Kongreso sa pagtataas ng premium fee at magsusulong ng legal na pagkilos ang alyansa laban sa pagpapatupad ng Philhealth sa paniningil ng dagdag sa premium fee na walang legal na batayan. Pinasinungalingan ni Martinez ang sinasabi ng Philhealth na ang pagtaas ng premium fee ay upang maipatupad ang adhikain ng universal  health care sapagkat ito ay dapat libre. Ang labis na paniningil ng Phjilhealth ay tanda ng kasibaan sa tubo ng pamahalaan at hindi upang mapahusay ang paglilingkod sa mga mamamayan. Sa ngayon ay masusing pinag-aralan ng alyansa ang hakbang ng Philhealth na isang tahasang paglabag sa RA 8042 na sinususugan ng RA 1022 na nagbabawal sa anumang papapataas ng mga singilin ng pamahalaan sa mga serbisyo para sa mga OFW at kanilang mga  dependente.



Ang tsapter ng Migrante International sa Hong Kong ay naglunsad na ng protesta laban sa Philhealth, at inaasahan ang gayunding pagkilos ng mga tsapter at kaalyadong grupo sa iba’t ibang panig ng mundo ayon sa lider ng mga migrante.





No comments:

Post a Comment