Rome, Italy 04/03/2014
(photo by Sagip Migrante) |
Mula nang nananalasa ang bangis ng bagyong Yolanda (codename: Haiyan) sa halos 8 probinsya ng silangang bahagi ng kabisayaan agad kumilos ang Umangat sampu ng mga kasaping organisasyon sa Migrante International upang ilunsad muli ang SAGIP MIGRANTE. Ayon sa ulat ng Migrante unti-unti ng nakabangon ang mga survivors hindi lang sa pagkompone ng kanilang mga ari-arian maging sa pagpalakas ng kanilang samahan sa komunidad na kung saan nakapagtayo ng mga organisasyong pangmasa tulad ng Tindog, People Surge atbp. Ang layunin nito ay makamit ang hustisya sa mga nasalanta, bantayan ang pangungurakot ng mga gahaman sa gobyerno at isulong ang programang risk reduction. Bukod dito maraming mga dayuhan (exposurists) na nakiisa sa ilalim ng programang Brigada Migrante na naging susi rin sa mas malawak na kampanya sa labas ng ating bansa.
Anti.Pork Barrel and Disaster victims fund campaign at Piazza Manila (Manila Square) Rome, Italy (Photo by Rey Fernandez, Umangat -Migrante) |
Ang Umangat sampu ng mga migrante sa kalakhang Roma ay nakalikom ng 900 euro at 50 sakong bigas na naipadala sa tanggapan ng Migrante International. Masayang naiulat ng Migrante na mula pa noong Nobyembre ay 6 na truck ng mga relief goods (food at non-food) ang naipamahagi sa Leyte at Samar. Nitong Enero, nagsimula na sila sa rehabilitation at recovery phase. Libu-libong pamilya ang nakatanggap ng seedling pack na naglalaman ng 11 uri ng mga gulay na naipamahagi sa 2,025 pamilya at mga gamit sa pagsasaka (pala, piko, asarol, bolo) na umaabot sa 100 set na naipamahagi. Ito’y naipamahagi sa 17 barangay sa Leyte at Samar. Nakapamigay rin sila ng 60 solar lanterns gamit pailaw at charger ng mga cellphones sa iba’t ibang organisasyong pangmasang lokal na siyang namamahala sa koordinasyon ng mga aktibidad ng Sagip Migrante.
MARAMING SALAMAT SA INYO MGA MIGRANTE SA ITALYA AT MABUHAY KAYO!
No comments:
Post a Comment