Pahayag ng Migrante
Rome, Italy 04/03/2014
Oo Babae, Kakaiba Ka Sa Lahat Ng Nilalang
Tunay ngang isang yaman at biyaya
Siyang tahimik,mapagmahal at matiyaga
Sa puso'y may haplos, matamis at kaaya-aya
Anumang sakit sa kanya'y 'di dama’t nawawala
Katataga’t pag-asa, mababanaag sa kanyang mukha
O babae, sa mundo’y alay ka ng Diyos Ama

At sa malambot mong mga kamay
Walang pusong bato kapag kumaway
Halik mo sa batang walang muwang
Nagtuturo ng pagmamahal, galit ay walang puwang
Pati haplos mo sa taong napakapusok
Oo babae, gayuma mo'y nag-aalis poot
Walang pusong bato kapag kumaway
Halik mo sa batang walang muwang
Nagtuturo ng pagmamahal, galit ay walang puwang
Pati haplos mo sa taong napakapusok
Oo babae, gayuma mo'y nag-aalis poot
Tulad sa buhay na itong napakagulo
Pagkamahinahon mo ang mag aayos nito
Kung kayamana'y nawawalan ang tao
Makikita sa'yo , kahalagahang higit pa sa ginto
O, babae kapag nawala ang iyong bango
Saan pa mangagaling halimuyak n’yaring mundo?
Pagkamahinahon mo ang mag aayos nito
Kung kayamana'y nawawalan ang tao
Makikita sa'yo , kahalagahang higit pa sa ginto
O, babae kapag nawala ang iyong bango
Saan pa mangagaling halimuyak n’yaring mundo?
Babae, napakahirap mang maintindihan
Kakaiba ka sa lahat ng bawat nilalang
Biyaya ka ng Diyos sa mga kalalakihan
Siyang katuwang sa pag-aalaga ng kalikasan
Kakaiba ka sa lahat ng bawat nilalang
Biyaya ka ng Diyos sa mga kalalakihan
Siyang katuwang sa pag-aalaga ng kalikasan
Sa sinapupunan, buhay ay magtutuloy ng walang hangan
Sa'yo nakasalalay ang kinabukasan ng sanlibutan
Sa'yo nakasalalay ang kinabukasan ng sanlibutan
Oo’t tunay kapag siya'y umiyak
Iisa lamang ang laging siyang tiyak
Tama na lahat pati kanyang mali
At kailan ma'y hindi siya nagkamali
Kaya't lalaki, mabuti pa'y ika'y tumabi
Magbigay galang sa mga babaing may luha sa pisngi
Iisa lamang ang laging siyang tiyak
Tama na lahat pati kanyang mali
At kailan ma'y hindi siya nagkamali
Kaya't lalaki, mabuti pa'y ika'y tumabi
Magbigay galang sa mga babaing may luha sa pisngi
O, siya na isang mapagmahal na ina
Tulad din ng isang mabuting asawa
Mga kapatid na kasaria’y mas mahina
Mga babaeng mapagmahal at maaruga
Tunay na pag- ibig ang dala sa bawat tuwina
Mga babae nga'y anghel ng pamilya
Tulad din ng isang mabuting asawa
Mga kapatid na kasaria’y mas mahina
Mga babaeng mapagmahal at maaruga
Tunay na pag- ibig ang dala sa bawat tuwina
Mga babae nga'y anghel ng pamilya
Mga lalaki'y alam ang katotohanan
Kung bakit ika'y dapat pangalagahan
Pagmamahal at paggalang huwag pagkaitan
Oo babae, hinugot kang tunay sa tadyang
Malayo sa paa upang hindi maapakan
Malapit sa puso nang maibig at mapagsilbihan
Kung bakit ika'y dapat pangalagahan
Pagmamahal at paggalang huwag pagkaitan
Oo babae, hinugot kang tunay sa tadyang
Malayo sa paa upang hindi maapakan
Malapit sa puso nang maibig at mapagsilbihan
Ano ba iyon na nasa kalangitan?
Napakaningning, napakalaki't parang ilawan
Bituin,Oo babae ika'y parang ganyan
Sa loob at labas man ng isang tahanan
Liwanag kang tunay na walang katapusan
Isang walang katumbas na kayamanan
Tunay, mabuhay ka magpakailan man

(ni: Demetrio 'Bong' Rafanan)
No comments:
Post a Comment