Blog Archive

Monday, April 14, 2014

News release | Petition Signing laban sa House Bill 3576 inilunsad sa Roma, Italya

Posted by Pahayag ng Migrante
Rome, Italy 14/04/2014

News Release
Ugnayan ng Manggagawang Migrante Tungo sa Pag-unlad (UMANGAT)
Reference: Rowena Flores  +39 3291757805, Alex Reyes  +39 3890362468
                 E-mail : umangat-migrante@gmail.com

(Photo: Umangat-Migrantre)
Rome, Italy Roma Eur, Abril 13, 2014.. Sa pangunguna ng Ugnayan ng mga Manggagawang MIgrante Tungo sa Pag-unlad (UMANGAT-MIGRANTE),  Makabayang Atas ng Supremo Andress Bonifacio (MASA) at ng ibat-ibang lider komunidad at mga concerned OFWS ay nagsagawa ng Petition signing ang mga OFWS dito sa Roma para ipanawagan ang pagbasura sa panukalang batas na House Bill 3576 o “An Act Authorizing Ambassadors, Consul General, Chiefs of Missions or Charge d’ Affairs to order and direct an Overseas Filipino to send support to his or her legal dependents as required by existing laws” na isinumite sa kongreso ng kinatawan ng OFW Family Partylist si dating Ambasador Roy Seῆeres.

Matatandaan simula pa lamang sa pagpasok ng taong 2014 ay naging mainit na usapin sa mga OFWs ang nakapending na panukalang batas na House Bill 3576 at umani ito ng matinding batikos mula sa ibat-ibang organisasyon ng mga migranteng Pilipino sa ibat-ibang panig ng mundo dahil ito ay isang napakalaking insulto  sa mga OFWs at kanyang pamilya at ito rin ay pagpapanunumbalik ng “forced remittance decree”, o ng Executive Order 857  ni dating Pang. Ferdinand Marcos na malaon ng pinabasura ng mga migrante.

Sa ilalim ng HB 3576, inoobliga ang lahat ng land-based at sea-based na OFW na magpadala ng remitans sa “Philippine banking system or any authorized credit unions, money transfer operators or through the postal mail”. Kapag hindi regular na nagawa ito, sila ay papatawan ng karampatang parusa. Gayundin, ang mga pribadong recruitment agency ay awtorisadong obligahin ang mga OFW na magpadala.

Sa Seksyon 5 ng HB 3576, binibigyang-kapangyarihan din ang mga awtoridad ng mga embahada at konsulado na pigilin ang renewal ng mga pasaporte ng mga OFW kung hindi sila makakapagpadala.

Tinututulan naming mga OFW at aming mga pamilya ang HB 3576 dahil ito rin ay isa na namang mekanismo para makapanghuthot ng karagdagang kita at singilin mula sa amin. Tulad ng EO 857 kung saan obligado ang mga OFW na magpadala ng 50-70% ng kanilang buwanang sahod/sweldo, ipinagbabawal din ng HB 3576 ang “padala/pakisuyo system” at nililimitahan ang  pagpapadala ng remitans tanging sa mga “government-authorized channels”. Ang sinumang lumabag din ay paparasuhan din sa pamamagitan ng pagkumpiska sa kanilang mga pasaporte o hindi pag-renew ng kanilang mga kontrata.

Ibig sabihin, ang HB 3576 ay hindi totoong para sa kapakinabangan ng aming pamilya kundi lalo’t higit sa gobyerno, mga bangko at iba pang institusyong pinansyal. Isa na naman itong mekanismo para higit na gawing gatasang-baka kaming mga OFW.

Nanindigan kaming mga OFW at aming mga pamilya na ang HB 3576 ay isang panukalang batas na lalong magbabaon sa amin sa utang at kahirapan. Matatandaang ang dating forced remittance law ni Marcos ang siyang nag-anak sa samu’t saring mga lending institution na nagpista sa desperasyon ng mga OFW. Sagad-sa-buto ang pangungutang ng mga OFW nang ipatupad ang naturang batas. Lalo itong makakapinsala ngayong baon na nga kami sa utang bago pa man kami makalabas ng bansa dahil sa kaliwa’t kanang mga bayarin, buwis, pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo at kawalang-kabuhayan.

Nanindigan kaming mga OFW at aming mga pamilya na ang HB 3576 ay isang panukalang batas na lalong magbabaon sa amin sa utang at kahirapan. Matatandaang ang dating forced remittance law ni Marcos ang siyang nag-anak sa samu’t saring mga lending institution na nagpista sa desperasyon ng mga OFW. Sagad-sa-buto ang pangungutang ng mga OFW nang ipatupad ang naturang batas. Lalo itong makakapinsala ngayong baon na nga kami sa utang bago pa man kami makalabas ng bansa dahil sa kaliwa’t kanang mga bayarin, buwis, pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo at kawalang-kabuhayan.

Dahil sa kanyang pagpasa sa HB 3576, lumilinaw ngayon ang pusisyon ni Rep. Seneres at OFW Family Partylist alinsunod sa pangkalahatang program ng rehimeng BS Aquino sa walang-ampat na pagbubuwis at panghuhuthot sa migrante at mamamayan. Para maisalba ang sarili sa krisis sa ekonomiya, umaasa ng malaki si BS Aquino sa remitans naming mga OFW para pagkunan ng karagdagang kita sa gitna ng malawakang korupsyon at kapalpakan sa gobyerno.

Ibinasura ang forced remittance law noon sa sama-samang pagkilos at pagtutol ng migrante at pamilya. Handa kaming muling gawin ito ngayon.



Ibasura ang HB 3576!

Tutulan ang sapilitang pagpapadala!

Serbisyo, hindi negosyo! Proteksyon, hindi koleksyon!

BS Aquino, hindi gatasang-baka ang mga OFW!


Photo: Umangat-Migrante




###



No comments:

Post a Comment