Blog Archive

Wednesday, March 5, 2014

Opinion | Migrant issue seen thru the eyes of an ex-ambassdor

Belarmino Dabalos Saguing
Rome, Italy 05/03/2014

Opinyon | Migrant Issues

OFW Family Club party-list Rep. Roy Señeres INQUIRER FILE PHOTO

It appears the myopic eyes of the author of the House Bill No. 3576 to dictate the OFWs on how they will use their income. In the eyes of OFWs, this proposed law is not for the interests of the OFW family, but to ensure that the income of OFWs will be continual and a constant source of government’s income. In short, it is in line of the government’s policy of forcing the citizens to be regular milking cows.

No, Mr. Seneres. You do not represent us, OFWs. You represent the greedy government which you are part. You do not represent us because you are not one of us. You do not deserve to be at that office . You are misnomer. And it is a shame that you are called representative of the migrant workers just because you won in a very questionable election. You were voted by the PCOS, not by the OFWs. Get out of there and join your kind in that government of dictators.

Mandatory unlovable Pagibig, mandatory paying of this and that, what’s next? After mandatory migration, a mandatory suicide when we are no longer capable of working abroad? You must look on the plight of the aged OFWs who are cutt off benefits from the government. Do something about it, or perhaps you do not have enough guts to do it because it is against the line of your government.

This is the very same Partylist representative who quarreled with his mate in the same Partylist over pork  (http://globalnation.inquirer.net/85995/2-lawmakers-from-same-ofw-partylist-fight-over-pork-allocations)


HOUSE BILL NO. 3576 BY OFW FAMILY PARTYLIST REPRESENTATIVE ROY SENERES

Principal Author: SEÑERES, ROY V.
Main Referral: OVERSEAS WORKERS AFFAIRS
Status: Pending with the Committee on OVERSEAS WORKERS AFFAIRS since 2013-12-16

AN ACT AUTHORIZING AMBASSADORS, CONSUL GENERALS, CHIEFS OF MISSIONS OR CHARGE D’ AFFAIRS TO ORDER AND DIRECT AN OVERSEAS FILIPINO WORKER (OFW) TO SEND SUPPORT TO HIS OR HER LEGAL DEPENDENTS AS REQUIRED BY EXISTING LAWS

Be it enacted by the Senate and House of Representatives of the Philippines in Congress assembled:

SECTION 1. Remittance of Foreign Exchange Earnings. – Overseas Filipino Workers (OFWs), whether sea-based or land-based are required to remit regularly a portion of their foreign exchange earnings to their family or legal dependent recipient in the Philippines through the Philippine banking system or any authorized credit unions, money transfer operators or through the postal mail. Private employment agencies and other entities authorized by the Philippine Overseas Employment Administration (POEA) to recruit Filipino workers for overseas employment are similarly required to assist OFWs in the remittance of their foreign exchange earnings as provided for in this Act.

SEC. 2. Obligations and Duties of Overseas Filipino Workers. – It shall be the obligation and duty of every OFW to continue to observe and respect the laws, customs, traditions and practices of the Philippines wherever they may be. It shall also be the obligation and duty of every OFW to provide material or financial and moral support to one’s family or dependent in the Philippines during the period of overseas employment.

SEC. 3. Designated Recipient of Support. –The designated recipient of support of the OFW shall be one of those entitled to support from the OFW under existing laws. The designation of a recipient or dependent shall be in accordance with the enumeration in Article 195 of Executive Order No. 209, otherwise known as the “Family Code of the Philippines” which pertains to those who are obliged to support each other.

SEC. 4. Proof of Remittance. – For purposes of this Act, proof of compliance with the mandatory remittance requirement as mentioned in Section 1 hereof, may consist of any of the following documents showing that the OFW had in fact effected the aforesaid remittance to his or her designated recipient or dependent:
a) Confirmed bank (foreign) remittance receipt;
b) Receipt of International Postal Money Order;
c)  A Sworn Statement from the dependent that said support has already been satisfied and/or settled;

SEC. 5. Ambassadors, Consul Generals, Chiefs of Mission or Charge d’ Affairs Authorized to Withhold Renewal or Approval of Passport. – Passports issued to OFWs may be renewed by the Department of Foreign Affairs (DFA) upon submission of the usual requirements and presentation of documentary proof of compliance to the remittance requirement provided for in this Act.  Upon receipt of a duly notarized Complaint for Support from any OFW dependent, which sworn statement duly authenticated by the Mayor or Governor of the dependent’s place of residence, Ambassadors, Consul Generals, Chiefs of Mission or Charge d’ Affairs are authorized to withhold the renewal or approval of the passport of an erring OFW unless proof of compliance of the remittance requirement of his financial support is submitted.

SEC. 6. Implementing Rules and Regulations. – Within sixty (60) days from the effectivity of this Act, the Secretary of the Department of Foreign Affairs (DFA) in consultation with the Secretary of the Department of Labor and Employment (DOLE), the Administrator of the Philippine Overseas Employment Administration (POEA), the Administrator of the Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), shall promulgate the necessary rules and regulations for the effective implementation of this Act.

 SEC. 7. Non-impairment Clause. – Nothing in this Act shall be construed to diminish, impair or repeal the rights granted to OFWs under existing laws, rules and regulations.

SEC. 8.  Separability Clause. – If any provision or part of this Act is declared unconstitutional or invalid, the remaining parts or provisions not affected shall remain in full force and effect.

SEC. 9. Repealing Clause. – All laws, decrees, ordinances, rules and regulations and other issuances or parts thereof, which are inconsistent with this Act, are hereby repealed or modified accordingly.

SEC. 10.  Effectivity Clause. - This Act shall take effect fifteen (15) days after publication in the Official Gazette or in two (2) national newspapers of general circulation.




Tuesday, March 4, 2014

Tula | Oo Babae, Kakaiba Ka Sa Lahat Ng Nilalang

Featured Poem
Pahayag ng Migrante
Rome, Italy 04/03/2014


Oo Babae, Kakaiba Ka Sa Lahat Ng Nilalang

Tunay ngang isang yaman at biyaya
Siyang tahimik,mapagmahal at matiyaga
Sa puso'y may haplos, matamis at kaaya-aya
Anumang sakit sa kanya'y 'di dama’t nawawala
Katataga’t pag-asa, mababanaag sa kanyang mukha
O babae, sa mundo’y alay ka ng Diyos Ama


At sa malambot mong mga kamay
Walang pusong bato kapag kumaway
Halik mo sa batang walang muwang
Nagtuturo ng pagmamahal, galit ay walang puwang
Pati haplos mo sa taong napakapusok
Oo babae, gayuma mo'y nag-aalis poot


Tulad sa buhay na itong napakagulo
Pagkamahinahon mo ang mag aayos nito
Kung kayamana'y nawawalan ang tao
Makikita sa'yo , kahalagahang higit pa sa ginto
O, babae kapag nawala ang iyong bango
Saan pa mangagaling halimuyak n’yaring mundo?


Babae, napakahirap mang maintindihan
Kakaiba ka sa lahat ng bawat nilalang
Biyaya ka ng Diyos sa mga kalalakihan
Siyang katuwang sa pag-aalaga ng kalikasan
Sa sinapupunan, buhay ay magtutuloy ng walang hangan
Sa'yo nakasalalay ang kinabukasan ng sanlibutan


Oo’t tunay kapag siya'y umiyak
Iisa lamang ang laging siyang tiyak
Tama na lahat pati kanyang mali
At kailan ma'y hindi siya nagkamali
Kaya't lalaki, mabuti pa'y ika'y tumabi
Magbigay galang sa mga babaing may luha sa pisngi


O, siya na isang mapagmahal na ina
Tulad din ng isang mabuting asawa
Mga kapatid na kasaria’y mas mahina
Mga babaeng mapagmahal at maaruga
Tunay na pag- ibig ang dala sa bawat tuwina
Mga babae nga'y anghel ng pamilya


Mga lalaki'y alam ang katotohanan
Kung bakit ika'y dapat pangalagahan
Pagmamahal at paggalang huwag pagkaitan
Oo babae, hinugot kang tunay sa tadyang
Malayo sa paa upang hindi maapakan
Malapit sa puso nang maibig at mapagsilbihan


Ano ba iyon na nasa kalangitan?
Napakaningning, napakalaki't parang ilawan
Bituin,Oo babae ika'y parang ganyan
Sa loob at labas man ng isang tahanan
Liwanag kang tunay na walang katapusan
Isang walang katumbas na kayamanan
Tunay, mabuhay ka magpakailan man


(ni: Demetrio 'Bong' Rafanan)


TAGUMPAY NG SAGIP MIGRANTE, NAKIISA ANG UMANGAT

Pahayag ng Migrante
Rome, Italy 04/03/2014

(photo by Sagip Migrante)

Mula nang nananalasa ang bangis ng bagyong Yolanda (codename: Haiyan) sa halos 8 probinsya ng silangang bahagi ng kabisayaan agad kumilos ang Umangat sampu ng mga kasaping organisasyon sa Migrante International upang ilunsad muli ang SAGIP MIGRANTE. Ayon sa ulat ng Migrante unti-unti ng nakabangon ang mga survivors hindi lang sa pagkompone ng kanilang mga ari-arian maging sa pagpalakas ng kanilang samahan sa komunidad na kung saan nakapagtayo ng mga organisasyong pangmasa tulad ng Tindog, People Surge atbp. Ang layunin nito ay makamit ang hustisya sa mga nasalanta, bantayan ang pangungurakot ng mga gahaman sa gobyerno at isulong ang programang risk reduction. Bukod dito maraming mga dayuhan (exposurists) na nakiisa sa ilalim ng programang Brigada Migrante na naging susi rin sa mas malawak na kampanya sa labas ng ating bansa.
 
Anti.Pork Barrel and Disaster victims fund campaign at Piazza Manila (Manila Square) Rome, Italy (Photo by Rey Fernandez, Umangat -Migrante)
Ang Umangat sampu ng mga migrante sa kalakhang Roma ay nakalikom ng 900 euro at 50 sakong bigas na naipadala sa tanggapan ng Migrante International. Masayang naiulat ng Migrante na mula pa noong Nobyembre ay 6 na truck ng mga relief goods (food at non-food) ang naipamahagi sa Leyte at Samar. Nitong Enero, nagsimula na sila sa rehabilitation at recovery phase. Libu-libong pamilya ang nakatanggap ng seedling pack na naglalaman ng 11 uri ng mga gulay na naipamahagi sa 2,025 pamilya at mga gamit sa pagsasaka (pala, piko, asarol, bolo) na umaabot sa 100 set na naipamahagi. Ito’y naipamahagi sa 17 barangay sa Leyte at Samar. Nakapamigay rin sila ng 60 solar lanterns gamit pailaw at charger ng mga cellphones sa iba’t ibang organisasyong pangmasang lokal na siyang namamahala sa koordinasyon ng mga aktibidad ng Sagip Migrante.

MARAMING SALAMAT SA INYO MGA MIGRANTE SA ITALYA AT MABUHAY KAYO!



PHILHEALTH PREMIUM INCREASE BINATIKOS NG MIGRANTE

Pahayag ng Migrante
Migrant issues



Sa pananaw ng pandaigdigang alyansa ng mga Pilipino sa ibayong dagat at ng kanilang mga pamilya, ang 100% na itinaas ng Philhealth premium ay “panibagong anyo ng pangingikil ng estado” sa mga OFW.

Inilabas kamakailan ng Philippine Health Insurance Corporation o Philhealth board ang kautusan na naggagawad ng 100% na papapataas sa premium fee ng National Health Insurance Program (NHIP). Nagkabisa ang kautusan nitong Enero 2014 na apektado ang lahat ng myembro at enrollees kasama na ang OFWs.

Una dito, ipinasya ng Philhealth na ipasunod ang pagpapataas ng premium fee mula sa P900 - P1,200 na lumalabag sa sarili nilang Circ. No. 0087 ng 2012 na nagpapaantala sa implementasyon ng premium fee bilang konsiderasyon ng kahilingan ng civil society at mga NGO na huwag munang itaas ang nasabing premiun dahil sa kasalukuyang krisis na naging dahilan ng pagpapauwi sa maraming OFWs.

Ayon kay Garry Martinez, chairperson ng Migrante International na ang pagpapataas ng premium fee ng naunang pagtaas buhat sa P900 sa P1200 at ang kasalukuyang P1,200 sa P2,400 ay walang legal na batayan.

Maging ang POEA ay hindi rin naglabas ng anumang circular na nagpapahintulot sa mga ahensya ng rekruter na mangulekta ng karagdagang premium na P1500. Sa katunayan, ang mga ahensya ay pinapahintulutan na maningil ng P900 at ito ay hindi pa binabago ng POEA ayon kay Martinez.

Samakatuwid, ayon kay Martinez, ang mga pagtataas ng premium fee ng Philhealth ay walang legal na batayan. May karapatan ang mga OFWs na tumangging magbayad ng P2400 na iginigiit ng mga agency at ang pwede nilang bayaran lamang ay ang orihinal na premium na P900.

Labis na ikinagagalit ng alyansang Migrante ang mga ILIGAL na paniningil ng halagang P2400 sa mga OFW sapagkat malinaw na ito ay pangingikil na ipinapataw sa mga manggagawang migrante na walang katampatang konsultasyon sa sektor ng mga migrante at iba pang sangkot na sector, dagdag pa ni Martinez.

Sinusuportahan ng Migrante International ang natatalagang imbestigasyon ng Kongreso sa pagtataas ng premium fee at magsusulong ng legal na pagkilos ang alyansa laban sa pagpapatupad ng Philhealth sa paniningil ng dagdag sa premium fee na walang legal na batayan. Pinasinungalingan ni Martinez ang sinasabi ng Philhealth na ang pagtaas ng premium fee ay upang maipatupad ang adhikain ng universal  health care sapagkat ito ay dapat libre. Ang labis na paniningil ng Phjilhealth ay tanda ng kasibaan sa tubo ng pamahalaan at hindi upang mapahusay ang paglilingkod sa mga mamamayan. Sa ngayon ay masusing pinag-aralan ng alyansa ang hakbang ng Philhealth na isang tahasang paglabag sa RA 8042 na sinususugan ng RA 1022 na nagbabawal sa anumang papapataas ng mga singilin ng pamahalaan sa mga serbisyo para sa mga OFW at kanilang mga  dependente.



Ang tsapter ng Migrante International sa Hong Kong ay naglunsad na ng protesta laban sa Philhealth, at inaasahan ang gayunding pagkilos ng mga tsapter at kaalyadong grupo sa iba’t ibang panig ng mundo ayon sa lider ng mga migrante.





PAGLILINGKOD AT WALANG HUMPAY NA PAKIKIBAKA NG MGA MANGGAGAWANG MIGRANTE

Featured in Pahayag ng Migrante
Rome, Italy 04/03/2014

Taong 2013 muli na namang nagpagkita nang isang masigasig na pagkilos ang hanay ng migrante sa pamumuno ng Ugnayang Manggagawang Migrante  Tungo sa Pag-uunlad (UMANGAT) sa Roma at sa buong mundo bilang pakikiisa sa milyon-milyong migranteng Pilipino pinagkaitan ng kanilang karapatang makapagtrabaho sa sariling bayan.

Humigit kumulang sa 2 milyong Filipino ang sapilitang lumuwas sa Pilipinas upang makipagsapalaran sa ibang bansa dahil sa pagtindi ng krisis sa ekonomiya sa Pilipinas na nagbunsod sa kawalan ng hanapbuhay at pagbaba ng kalidad ng serbisyo. Sa kasalukuyan merong mahigit sa 12 milyong Filipino na nasa labas ng bansa. Nadagdagan ng 117,000 mga walang hanapbuhay at sa kasalukuyan ay nagtala na ng pinakamataas na rekord nang 4.5 milyong (10.3% unemployment rate) Pilipinong walang hanapbuhay at sa buong Asya. Habang pinangalandakan ng gobyernong Pnoy ang 7.3% na pag-unlad sa ekonomiya, siya namang pagbaba sa mga bagong trabahong nalikha (317,000) kung ikumpara ito sa taong 2011 (1,157,000). cf. IBON.  Sa Italya, ang mga Filipino (127,243) ay ika-anim sa pinakamalaking populasyon migrante kasunod ng mga grupong Romania (796,477), Albania (441,396), Morocco (403,592), China (170,265), at Ukraina (153,998). cf. Migrantes Rapporto Immigrazione 2013.

(downloaded image by Ibon)

Sa ganitong kalagayan, ang UMANGAT ay walang humpay na nakikibaka upang ugatin at pag-aralan  ang  mga pangunahing dahilan ng sapilitang migrasyon; itaguyod at ipaglaban ang mga karapatan ng migrante dito sa Italya at sa buong mundo sa pamamagitan ng mga pagkilos at pag-organisa sa hanay ng mga migrante. Ang naging slogan ng pagkilos ng taong 2013 ay SULONG MGA MIGRANTE IPAGWAGI ANG ATING MGA MITHIIN PARA SA KAGALINGAN NG ATING PAMILYA AT NG ATING BAYAN.

Naging masigla at mainit ang mga pagkilos at programa ng UMANGAT nitong nagdaang 2013. Ito ay nakapokus sa iba’t ibang larangang pagkilos pulitikal, kultural, at solidaridad internasyunal o pakikiisa sa mga malawakang pagkilos ng mga militanteng organisasyon sa buong mundo.

Sa larangan ng pagkilos pulitikal, nakapaglunsad ang UMANGAT nang mga serye ng porum o malayang talakayan pormal o impormal sa mga usapin sa eleksyong nasyunal, SONA ni Pnoy at pork barrel na pinaunlakan ng isang magiting na kongresman na walang humpay na nakipaglaban para sa kapakanan ng bayan - Ka Satur Ocampo - ng Bayan Muna. Ang kampanyang elektoral ay umani ng 565 na mga taga suporta dito lamang sa Roma at 791 sa kabuuan ng Italya. (cf. Umangat Migrante). Ito’y patunay ng pagtitiwala ng mga migrante sa isang militanteng pagkilos sa pamumuno ng Umangat. Ang pork barrel isyu na naging tampok sa mga malawakang kampanya ng grupo na umani ng suporta sa mga kilalang lider sa iba’t ibang organisasyong Filipino at mga politiko (Filipino at di Filipino).
Naging tampok din ang mga programang kultural na  naglalayun na pataasin ang kamalayang pulitikal at sosyal sa hanay ng mga migrante gamit ang iba’t ibang paraan ng komunikasyon tulad ng dyaryo (Pahayag ng Migrante at sa ibang mga pahayagan tulad ng Ako’y Pilipino), internet (FB, webpage), radyo (Ugnayan sa Himpapawid ng Radio Citta Aperta), at pelikula (Migrante Diasporang Pinoy) na pumukaw sa damdamin ng mga migrante at nagpataas ng kanilang moral sa pakikibaka. Nakapagdaos din ang grupo ng mga iba’t ibang programang pangkultura at pampamilya bilang pagkilala sa mga mahalagang anibersaryo tulad ng ika-15 taong ng UMANGAT na ginanap sa GMD Filcom, taunang Family Day na humatak ng maraming pamilyang migranteng FIlipino nakisaya sa mga tradisyunal na paligsahan at nakinig sa mga pahayag at analisis ng kalagayan ng bansa at ng mga migrante sa buong mundo.
(photo by Migrante)
Bunsod ng mga sunod-sunod na sakunang nangyari sa Pilipinas, masugid na sinusoportahan ng Umangat ang programang Sagip Migrante ng Migrante International na nangalap ng pondo para sa tuloy-tuloy na tulong sa mga nasalanta lalo nitong nagdaang bagyong Yolanda. Sa kabuuan nakapagpasulpot ng humigit kumulang 900 euro cash at 50 cavans ng bigas para sa Leyte at Samar mula sa mga mapagkawang-gawang migranteng Pilipino at mga Italyano.


Induction of Makabayang Atas ng Supremo Andres Bonifacio (MASA)
Photo by MASA
Sa loob ng isang taon (2013) nagkaroon ng 30% na pagtaas ng membership (full pledge member) at daan-daang taga suporta sa mag pagkilos at programa ng organisasyon. Tuloy-tuloy rin ang pagdaos ng Migrant Orientation at iba pang pag-aaral sa mga bagong kasapi. Nakapagbuo at naging instrumento sa pag-organisa ng mga alyansa tulad ng Task Force OFW at organisasyon Makabayang Atas ng Supremo Andres Bonifacio (MASA). Pinaigting din nito ang kanyang pakipag-ugnayan at talakayan sa mga lokal na organisasyong pampulitika sa Italya at sa Europa tulad ng Comitato per gli Immigrati Italia, Rifondazione Comunista, Unione Sindacali di Base (USB) at International Migrants Alliance (IMA). Ito’y bahagi ng kanyang programa sa pagbuo ng mga international solidarity networks. Tuloy-tuloy ang paglago sa loob ng organisasyon. Nakapag-organisa na rin ito ng bagong grupo ng mga kababaihan na patuloy na lumalago at namumuno sa iba’t ibang gawaing pampulitika.

Sa kabuuan, malayo’t malawak na ang natatahak ng UMANGAT sa gitna ng maraming hamon sa panahon na pinagdaanan at kakaharapin pa. Sa taong 2014, bibigyan diin nito ang pagtatayo ng Migrant Desk sa panulukan nito (via Giolitti, 231 Roma, 00185 Italia) upang matugunan ang mga pangangailangan legal ng mga migrante dito sa Roma. Ito’y sa pakipagtulungan ng USB. Maglulunsad ng mga serye ng para-legal trainings upang sangkapan ng batayang kaalaman sa batas migrasyon ng Italia ang mga kasaping organisasyon.


MPL Rome Poster
Sa taong 2014, paigtingin pa ng organisasyon ang kanilang walang humpay na pakikibaka hanggang darating ang araw na kung saan ang pangingibang bansa ay isa nang malayang pagpapasya ng bawat mamamayan at maitaguyod ang lipunang malaya at makatarungan sa ating bansa.







Monday, March 3, 2014

MIGRANTE | Stop posturing, get down to business for trafficked OFWs in Malaysia, BS Aquino told

FOR IMMEDIATE RELEASE


Reference: Garry Martinez, Chairperson, 0939-3914418






Global alliance of overseas Filipino workers (OFWs) and families Migrante International called on Pres. BS Aquino to “stop his posturing and get down to business” to address the cases of trafficked Filipino workers whose lives and well-being are in danger as the Malaysian government started a massive crackdown on undocumented migrants in the country lastJanuary 21.

Migrante International made the call as Pres. BS Aquino embarked on a state visit to Malaysia. He will be in the country until March 1.

In light of the massive crackdown, the Philippine government recently issued a warning to undocumented Filipinos in Malaysia to either “complete their immigration documentation or voluntarily submit themselves to the Philippine embassy to be deported.”

However, according to Garry Martinez, Migrante International chairperson, the PH government has not set-up any mechanism to locate, rescue or secure trafficked Filipinos whose passports have been confiscated, are working as undocumented migrants and/or are being held against their will in their respective workplaces.

Martinez said that they are gravely concerned because of the high number of trafficked Filipinos all over Malaysia and the history and nature of crackdowns and raids by authorities there. “In previous immigration crackdowns in 2005, 2008 and 2012, there was high use of violence against migrants. Those arrested were not granted access to phone calls, embassies and counsels. Those arrested were brought to detention cells while others’ whereabouts were unknown.”

“Pres. BS Aquino should urgently look into this matter during his state visit. The situation of Filipino in Malaysia should be included in his top priority,” Martinez said.

Malaysia is one of the most common destinations of trafficked Filipino workers, mostly women, according to Migrante International. “As of now, we are handling at least a dozen cases of Filipinas wanting to be rescued in their workplaces in Malaysia. They cannot escape. They fear the ongoing raids. They fear for their lives.”


Sabah

Martinez cited the plight of Filipinos in Sabah, one of the most common “transit points” of trafficked Filipinos on their way to Malaysia or other nearby parts of Asia.

Citing reports from a fact-finding mission conducted by Migrante International and other migrant groups in 2009, Martinez said that around 80-90% of migrant workers in Sabah were trafficked.

By definition, trafficking is when 
1) the workers have been lied to with regard a number of things, including salary; and 
2) debt bondage at high interest rates; 
3) slave-like conditions, involuntary servitude; and,
 4) sex trafficking.

“True to its track record, the Philippine government is still not doing anything to stop these most-recent abuses. It is not enough for the Philippine government to say that abuses are ‘unacceptable’. There has to be more pro-active measures in protecting Filipinos in Sabah and to compel the Malaysian government to protect the rights of civilians and migrants in Sabah.”

Unfortunately, Martinez said, the Philippine government continues to play the lame duck despite human rights violations, mass arrests and deportation of Filipinos from Sabah. “The Aquino administration has no backbone, no fighting spirit, no compassion for our Filipino people in Sabah.”

Martinez also extended full support to the Filipino community and other migrant communities in Malaysia in their fight against intensified crackdowns on undocumented workers. “We are very concerned for the well-being of Filipino migrants and migrants of other nationalities in Malaysia and Sabah right now. We also call on the Malaysian government to observe human rights of all migrants, documented or undocumented.”

Migrante International supports the international campaign for the de-criminalization of undocumented migrants. It is also pushing host countries to ratify the United Nations Convention on the Protection of the Rights of All Migrant Workers and Members of Their Families. The Convention does not discriminate against undocumented or irregular migrant workers.

He said, “Undocumented migrants, who inevitably provide the solution to labor shortages or the clamor for cheap labor in host countries, are marginalized and exploited. They are less able to assert their claims and are more vulnerable to abuses because of their ‘illegitimacy’.”

“Being undocumented is never reason to be stripped of one’s fundamental human rights,” Martinez said.

According to records of Migrante International, the number of undocumented Filipino workers deployed in different countries has reached approximately 900,000 in 2007. “This number has continued to increase over the years, especially in light of continued unemployment and landlessness here in the Philippines. The growing number of undocumented OFWs worldwide is indicative of the ongoing crisis of forced migration and systemic economic crisis in the country.” ###





Sunday, March 2, 2014

Panlulustay ni DOLE Sec. Rosalinda Baldoz sa pera ng OFWs

Pahayag ng Migrante
Rome, Italy 02/03/2014






Ibinunyag ng COA nav noong 2005 binigyan ng incentive allowances ang mga opisyales at  kawani ng POEA. Ang saalaping ibinuyangyang ni Baldoz sa mga tauhan niya sa POEA ay sinungkit buhat sa pondo ng mga OFW sa OWWA na nagkakahalaga ng P19.36M.


Ipinapabalik ng COA ang salapi ng OFWs sa OWWA na iligal na ipinamahagi ni Baldoz.
Ito ang uri ng pamamahala na ibinibigay ng mga pinagtitiwalaang mga opisyal para sa ating sa ating mga OFWs.


Sa ganitong uri ng pamamahala, sino pa ang maarting pagtiwalaan ng mga manggagawang migrante upang mangalaga sa ating kagalingan at karapatan? Kailan magkakaroon ng mga taong magtuturing sa atin bilang mga taong tumutulong sa paglikha ng yaman ng bansa at gagalang sa salaping pinaghirapan natin?



At kailan pa kaya malilipol ang mga maghnanakaw sa loob ng ating pamahalaan?